BAYBAY DUMANJUG BEACH RESORT
LAKBAY SANAYSAY NI:AYA MAE SUERTE HA22
IPAPASA KAY:GNG.EROMA
Bilang kabataan paglalakbay ay isa sa mga pinakagusto kong gawin,na wala pang ibang iniisip kong hindi ang magpakasaya sa buhay. Pangarap ko na makapunta sa iba’t ibang lugar na magaganda ang tanawin at marami ring tao ang pumupunta, mapa dayuhan man o taga rito lamang sa Pilipinas at mayroong sariwang hangin. Ngunit dahil estudyante pa lamang ako,at wala pang kakayahan makapunta sa malalayong lugar dahil walang sapat na Pera. iilan pa lamang ang napupuntahan kong lugar na dinarayo ng maraming tao, at hihintayin ko ang pagkakataong makatapos Ako ng pag-aaral at magka pera, nang matupad ko ang mga pangarap ko, kasama Ang mga mahal sa buhay. Masayang maglakbay at magpunta kung saan malayo ka sa nakasanayan mong lugar, kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na ang pamilya mo. Pamilya ang pinaka pundasyon ko na siyang masasandalan ko sa oras na ako ay may problema. Kapag may napupuntahan akong lugar ay hindi lang ako basta nagpupunta para maglibang o magliwaliw kung hindi inaalam ko rin kung bakit ito pinupuntahan o tinatangkilik ng maramingk tao.
BAYBAY DUMANJUG
Isa na ito sa napuntahan kong napakagandang Lugar Kasama pamilya ko ay ang baybay dumanjug kahit hindi man ito sikat na Lugar, pinagmamaliki ko ang Lugar na ito Kasi kahit dito lang Ako dinala ng aking mga paa.Dahil Hindi lang Basta may magandang tanawin kundi nakaka wala ng problema at nakaka aliw tignan ang mga alon na para lang akong nakalutang na para bang Walang problema na pinagda-anan.Sariwang hangin ay napakagandang langhapin na randam ko Ang mapayapang Buhay mga buhangin na Ang puti-puti na napakagandang higaan na Ang gaan ng aking pakiramdam,malinis na kapaligiran at ang sarap pakinggan ang mga malalakas na alon ng dagat, at hintayin ang paglubog ng araw .Napagtanto ko na kaya pala Maraming mga tao Ang pumopunta dahil para libangin nila Ang kanilang Sarili at Makasama Ang kanilang mahal sa Buhay at para gumaan Ang kanilang pakiramdam. At Ang sarap pala tignan kapag Kasama mo ang iyong pamilya na magsalo-salo sa pagkain na hinanda,pagkatapos naming kumain nag picture kami habang nagtatawan sobrang saya ko dahil minsaan ko lang naranasan Kasama Ang pamilya ko na sabay kumakakain at Minsan ko lang din nakita Ang pamilya ko na masaya kaya nagpasalamat Ako sa panginuon dahil binigyan niya kami ng biyaya at Araw na magakasama kami sa aking pamilya at Napakasaya ko din dahil kasama ko ang aking pamilya Sa pagpunta sa Lugar na ito natuwa ako kahit na nakakapagod dahil may kasama akong naglakbay at higit sa lahat mayroon akong bagong naging Kaibigan.laking tulong Ang pagpunta ko sa Lugar na ito dahil naliwanagan Ako na mahal ako ng aking pamilya at mahalaga Ako para sa kanila,naliwanagan din Ang sairili ko na dapat Hindi agad sumusuko sa Ano mang problemang dumadating at maging responsabli sa lahat ng bagay,at maging positibo sa Buhay.kaya para sa akin Hindi ko makakalimutan Ang Lugar na ito dahil ito ang dahilan Kong bakit ko naranasan maging Masaya sa buong buhay ko at makalimutan ang mga masasama Kong naranasan sa buong buong buhay ko , talaga namang dapat na ipagmalaki ko ito sa bansa.Dahil ang lugar na ito ay magsisilbing patunay na masagana ang bansa natin.habang papalubog na ang araw nanatili pa rin Ako naka upo sa ilalim ng punong kahoy Kasi Ang sarap pag masdan Ang papalubog na araw,na paran bang ang mga paa ko ayaw umuwi sa Ganda ng Lugar na ito.
At higit sa lahat, Hindi ko makakalimutan ang aking pamilya dahil sa lahat ng tao, ay sila lang ang makakaintindi sa akin , makakaunawa, magiging kasangga ko sa lahat ng aking problema, at higit sa lahat Ang nagmamahal sa akin ng tunay kaya sobrang nagpasalamat Ako sa kanila.